Update : Dec 08,2009 8:30AM/59 Photos/5 New Picture added

Tuesday, December 8, 2009

Munting Pasasalamat....

Hindi ko akalain na ganito karami ang susuporta sa Isang Minutong SMILE, nung una kabado nga ako dahil baka ni isa ay walang magpadala ng picture o mag post man lamang ng article tungkol dito...Pero hayan at sobrang dami, mga kaibigan, mga adiktos, mga parekoy, at mga hindi kakilalang ngayon ay kaibigan na rin sa mundo ng blogosperyo...

Gusto ko lang sanang ihatid ang munting pasasalamat sa pagsuporta sa adhikaing ito, hindi man tayo magkita-kita o magkaruon ng isang pagtitipon para dito, sapat na ang suporta at ngiting naidulot nyo sa lahat, napakalakeng bagay para sa bawat isa ang ngiting naipamahagi natin sa kanila...

Ngayon na nga ang itinakdang araw para sa Isang Minutong SMILE, pero sana hindi matapos ang event sa araw na ito, nawa'y patuloy tayong magbigay ngiti sa mas nakakarami...

Muli, nagpapasalamat ako sa lahat ng nagpadala ng picture;


GurlNextDoor
Roxy

Boroyski
BryanDC
Elektra
Metallic_Cotton
SilverSurfer


Sa lahat ng nagpost ng artikulo sa kanilang pahina;

The Pope of Palipasan from Qatar
Life Moto of Life Moto from KSA
Misalyn of Nurses On Call from UAE
Nebz of Isla de Nebz from KSA
Mr. Thoughtskoto of Thoughtskoto from KSA
Joy Konstantine of Siyetehan from the Philippines
Scofield Jr of Tinta de Filipinas from Taiwan
Kox of Misadventures of Kox from the Philippines
Deth of MindDeth from Singapore
Jules of A Writers Den from the Philippines
Seaquest of Badik from the Philippines
Xprosaic of Xprosaic's World from the Philippines
Manik Reigun of Manik Makina from the Philippines
Iya Khin of When I Learned How To Write from UAE
Gege of Libreng Potato Chips from the Philippines
Fiel-kun of Fiel-kun's Thoughts from the Philippines
Jag of In a place called Kaleidos from Japan
Filipino Expats in Thailand of Siam Pinoy's Forum
Global Filipino Forum of OFW Forum
Cool People of the Cool City on Baguio City Online's Forum


Sa lahat ng nagkumento, hindi ko na po babanggitin lahat at sobrang dami..

from Tina ng BaguioCityOnline :
LCM, congratulations at marami kang napasaya dahil sa isang minuto mong smile video. :) hanga ako as iyo dahil hindi Lang ang sarili mo ang inisip mo kundi lahat ng mga kababayan natin sa buong mundo at nabigyan mo sila ng kasiyaan kahit man lang saglit, sapat na nakaka bawas sa mabigat na damdamin Kung ano man ang kanilang nararamdam. :) ISA na ako don. :)
from Angel ng BaguioCityOnline :
Maganda ang resulta ng 'smile'.
Ginamit ku sa mga taong hinde ku kilala
Pagkatapos kung mag - 'smile' - dinagdagan ku ng masarap na ' Hello'
Ngayun - dumami ng kaibigan ko......
from Metallic_Cotton ng OFW Forum :
Oh I figured, good one though asking the rest to smile and yeah it does help seeing some smiley stuff yeah, yeah...people on pictures smiling, can't resist but to smile back.

from Elektra ng SIAM Pinoy Community :
@LordCM, wow! congrats! galing2 ng video :woohoo: sobra napasaya mo ako nyan :silly: :laugh: di lang smile :cheer: makita ko lng ang aking panganay sa video ng 1 minutong smile eh npakasaya ko na. Agang pamasko ang video na yan pra sa akin. Maraming salamat! :)
Paumanhin sa mga nakalimutan ko, remind nyo lang ako at ia-update ko agad itong entry na to...Muli, maraming maraming salamat sa pagsuporta..

Wag po nating kalimutang ngumiti mamayang alas otso, at kung maaari simulan nyo na ngayon hanggang sa dulo ng walang hanggan ( tele serye na naman )



Saturday, December 5, 2009

Ngingiti ka na ba?

Sa December 8, 2009, sa ganap na alas otso ng gabi magkikita-kita tayo sa isang lugar...Lahat ng makikiisa sa Isang Minutong SMILE ay maaaring mag-online at maki-ngiti sa lahat...Magka-countdown ang bawat isa hanggang sa umabot sa saktong oras na alas otso ng gabi at sabay-sabay na ngumiti sa loob ng isang minuto...

Ang saya no?...pero imposibleng mangyari, kaya nga hindi ko inaasahan...Eh bakit meron pang Isang Minutong SMILE?, wala lang! Ano ba naman yung tumatak sa isipan ng mga nakabasa ng entry ko na sa darating na December 8, 2009 ay kailangan nilang ngumiti ng isang minuto. Hindi naman kailangan magtipon-tipon upang masagawa ito eh, ang kailangan natin magkaruon ng oras para sa pag ngiti, matanggal man lang ang mga problemang bumabagabag sa ating isipan kahit isang minuto lang. Kung maaari nga lang na magawa mong ngumiti kada minuto sa bawat oras na bumububuo sa araw-araw eh bakit hindi? Mas masaya nga yun kung halos minu-minuto ay nakangiti ka...

Special ang araw ng December 8 para sa akin, maraming nakaraan ang masarap alalahanin sa araw na to, pero wala pong mangyayaring ispesyal sa December 8, 2009 para sa Isang Minutong SMILE, gusto lang iparating ng may akda na malaya ang bawat isa sa atin na ngumiti sa kahit anong oras nya gustuhin...gusto lang iparating ng may akda na maaari pa rin tayong ngumiti kahit pa sobrang daming problema ang iyong dinadala, kahit pa sobrang dami ng iyong ginagawa, kahit pa sobrang pagod tayo sa trabaho..o kahit ano pa man ang bumabagabag sa iyong isipan...

Wag po nating hayaang dalhin tayo sa kung saan ng negatibo nating emosyon, wag tayong padala sa mga problemang bumabagabag sa atin ngayon bagkus bigyan mo ng matamis na ngiti ang iyong sarili, ipamahagi sa iba at kalimutan ang problema...Mare-realize nyo na lang na sa bawat pag ngiti mo'y nababawasan ang bigat ng iyong dinadala, ganun din sa pagbibigyan mo nito...

At kung hirap kayong pangitiin ang inyong sarili, nasa taas ang video ng Isang Minutong SMILE upang magbigay ngiti sa inyo...Ewan ko lang kung sa bawat ngiti ng mga kaibigan natin sa video eh di mo suklian ng isang napakatamis na ngiti!

Ayaw mo pa ring ngumiti?! Oo alam ko, mahirap ngumiti kung marami kang problema, pero TAO ka, mas angat ka sa iba...papatalo ka ba kay 'muning'?!

from http://9gag.com

Ang lahat ng problema'y
kayang lagpasan
Ngumiti ka lang muna
at masosolusyunan mo rin yan


Para po sa listahan ng mga artikulo patungkol sa Isang Minutong SMILE, bumisita lang kay The Pope at basahin ang kanyang Isang Minutong Ngiti Tungo sa Kapayapaan...

Friday, December 4, 2009

Ang Nakaraan...

Pero hindi maaari, nangyari na ang dapat mangyari, itinakda nga sabi nila...

Minsan sa buhay ng tao hindi maiwasan ang makagawa ng pagkakamali, kasunod nito ang pagsisisi na sana'y hindi nya na lang ginawa ang isang bagay...at darating sa puntong gusto nyang bumalik sa nakaraan upang itama ang isang pagkakamali...

Itinakda nga ba o tayo lang talaga ang may gawa? Kung ano man ang kasagutan, ang magagawa na lang natin ay itama ang nakaraan sa mga susunod na hakbang. Hindi man ito maaaring balikan, sigurado kaya mo itong itama at ibaon sa limot ang lahat...

Payo lang, SMILE ka muna bago mo itama ang lahat...

Good luck :-)

galing po ang imahe sa http://9gag.com

Wednesday, December 2, 2009

SMILE ka muna...

Parang ang saya-saya nung girl no?


Hindi ko naisip to nung bata pa ako ah!


Ang sweeeet!


Dami pa dito....

Monday, November 30, 2009

Tara na sa PEBA!

Uy!Punta ka ba? Nu ka ba! PEBA Awarding na sa December 27, 2009...Oo, para sa OFW Bloggers ang event, pero imbitado ka kaya! Para naman masaksihan mo kung paano bigyan ng parangal ang mga natatanging blogero't blogera na minsan na nilang tinawag na Bagong Bayani...

Eto pa! kapag nakadalo ka sa okasyon maaaring magkaruon ka ng gift galing sa mga Partners, Sponsors ng PEBA at kapag sinuwerte ka pa, baka manalo ka sa pa raffle na gagawin nila...Hindi pa tapos!, ihanda mo ang iyong sarili kasi sigurado marami kang mami-meet na kilalang tao sa mismong okasyon, mga celebrities, opisyal o pulitiko na may kaugnayan sa OFW.

Kaya plantsahin mo na ung pambu mong pinakatago-tago, hahaha, basta kaaya-aya sa paningin ng iba at alam mong da best para sayo, isuot mo na!

6PM po ng December 27 ang okasyon...Sa Philam Life Theater, UN Ave., Malate, Manila ito gaganapin..at sa karagdang inpormasyon punta lang kayo sa PEBA, email nyo sila sa peba09@gmail.com, o mag comment kayo dito at susubukan naming sagutin kasama ang ilan sa bumubuo ng PEBA...

At syempre, dahil nominado ako dito, eh dadalo ak...dadalo ang aking representative sa okasyon, di pa ako pwede magbakasyon eh...kaya kwentuhan nyo na lang ako...

Oo nga pala, wag mong kalimutang dalhin ung pinaka maganda mong NGITI, yan ang magiging ticket mo para makapasok sa event...at yan din ang unang gift na matatanggap mo galing sa mga Organizer ng event...Isang napakatamis na SMILE...

Related Posts with Thumbnails